^

Probinsiya

4 bata nag-swimming sa ilog, patay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
4 bata nag-swimming sa ilog, patay
Kinilala ang mga biktima na sina Rhea Ba­lasa, 10, at mga kapatid na sina Rodelyn, 5 at Renalyn, 8, at ang kalaro nilang si Jennifer Suizo, 11, pawang residente ng Brgy. Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Apat na paslit kabilang ang tatlong magkakapatid ang sabay-sabay na nalunod habang naliligo sa Simuay River sa Maguindanao, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Rhea Ba­lasa, 10, at mga kapatid na sina Rodelyn, 5 at Renalyn, 8, at ang kalaro nilang si Jennifer Suizo, 11, pawang residente ng Brgy. Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sa ulat, alas-2 ng hapon ng Setyembre 27 nang magkayayaang maligo ang mga bata sa ilog kasama ang kapatid ni Jennifer na si Jennelyn Suizo, 8.

Habang naliligo, bigla na lamang lumakas ang alon at tumaas ang tubig sa ilog. Nagkataon namang nasa mababang parte ng ilog si Jennelyn at nakita niya ang kanyang ate at magkakapatid na Balasa na nalulunod hanggang sa tuluyang lamunin ng tubig.

Agad humingi ng tulong si Jennelyn sa kanyang ina at sinabi ang pangyayari.

Makalipas ang ilang oras na search and rescue operations ng mga awtoridad, natagpuan ang mga bata na nakalutang na sa ilog at pawang wala nang buhay.— Rhoderick ­Beñez

vuukle comment

ILOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with