^

Probinsiya

Batanes ‘di na COVID-19 free, umuwing manggagawa nagpositibo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Hindi na COVID-19 free ang isla ng Batanes at pina­ngangambahang mayroon pang ibang nahawa matapos magpositibo sa virus ang isang umuwing manggagawa na residene sa kabisera ng Basco lulan ng eroplano ng Philippine Air Force (PAF) kahapon.

Ayon sa Batanes Provincial Health Office, ang kauna-unahang kaso ay isang 29-anyos na lalaki na dumating sa isla noong Setyembre 22 mula sa Sta. Rosa, Laguna.

Nabatid na unang nagpositibo sa rapid test ang nasabing manggagawa paglapag nito sa isla kaya’t agad siyang dinala sa health facility ng probinsiya.

Pagdating sa kanilang lugar, inilagay sa quarantine ang lalaki hanggang isinailalim sa swab test noong Linggo at lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID-19 kahapon.

Ang pasyente ay umuwi sa kanilang lalawigan matapos siyang mawalan ng trabaho nang magsara ang pinapasukan dahil sa epekto ng pandemya. Patuloy namang isinasagawa ng health authorities ang contact tracing sa mga nakasabayan ng nasabing lalaki sa eroplano.

vuukle comment

PAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with