^

‘Drug queen’ sa Baguio, 5 pa timbog

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nadakip na ng awtoridad ang tinaguriang “drug queen” sa Baguio City kasama ang lima pang parokyanong bumabatak sa loob ng kanyang tiangge kasunod ng ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Central Fairview sa lungsod kahapon.

Kinilala ang naaresto na si Analyn Lee na umano’y suki ng mga kabataang adik sa Baguio City.

Ayon sa report, habang isinasagawa ni Lee ang transaksyon sa mga undercover agents, limang parokyano ni Lee ang nagsimulang magsagawa ng “pot session” sa loob kung kaya’t nag­lantaran na ang mga ­operatiba at sila ay inaresto.

Ang mga natiklo sa sesyon ay sina Jeanne Tabil, 19, ng La Trinidad, Benguet; John Michael Abalos, 22, ng Santa Barbara, Pangasinan; Rodel Balmores, 19, na taga-Cauayan City, Isabela; Mark Anthony Reyes, 19, taga-San Manuel, Tarlac, at Sherilyn Viray, 18, ng Baguio City.

Nasamsam sa tiangge ang shabu na nagkakahalaga ng P5,000 at sari-saring drug paraphernalia.  

DRUG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with