_ngayon
^

Probinsiya

Ex-tserman na HVT todas sa shootout

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang da­ting barangay chairman ng Lugo sa Borbon, Cebu matapos ang engkuwentro sa mga pulis sa Barangay Minoyan, Murcia town, Negros Occidental kahapon ng  umaga.

Dead-on-the-spot si Jinnefer Mercader, 43, dahil sa tama ang bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Col. Henry Binas, director Bacolod City Police Office, si Mercader ay matagal nang sangkot sa Mercader gun-for-hire at illegal drugs.

Sinabi naman ni Police Lt. John Paul Tabujara, Murcia police officer-in-charge, si Mercader ay kabilang sa “high-value target,” na tumakas noong Marso  5, 2020 habang dumadalo ng kanyang hearing. Una siyang naaresto noong Setyembre 2017 dahil sa illegal drugs, illegal possession of firearms sa Borbon, Cebu at nakulong sa Medellin District Jail.

Sinabi ni Tabujara na nang matukoy nila ang hideout ng suspek, katuwang ang PDEA agents ay agad ikinasa ang manhunt operation.

Natagpuan ng ra­iding team si Mercader sa isang farm ng manok na panabong at pinakiusapang sumuko subalit bigla umano silang pinaputukan na naging dahilan ng shootout na kanyang ikinabulagta.

Narekober sa encounter site ang .45 caliber pistol, isang 12-gauge shotgun ng suspek at P400,000 halaga ng shabu.

HENRY BINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with