^

Probinsiya

Mag-utol na bibili ng motor inutas

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol na bibili ng motor inutas
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Haizon Lauban Wahab at Bai Puti Lauban Wahab nasa tamang edad at residente ng Poblacion Dalican sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
PSN/File

NORTH COTABATO, Philippines — Kapwa bumulagta ang magkapatid na bibili lang sana ng motorsiklo matapos na hinihinalang holdapin at pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang gunman sa Pikit sa lalawigang ito nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Haizon Lauban Wahab at Bai Puti Lauban Wahab nasa tamang edad at residente ng Poblacion Dalican sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sinasabing bibili lang ng motorsiklo ang magkapatid na noon ay sakay ng MIO motorcycle nang sila ay pagbabarilin sa hangganan ng Brgy. Inug-ug at Poblacion sa bayan ng Pikit, ala-1:40 ng hapon.

Naniniwala ang pamilya ng mga biktima na “robbery” ang motibo sa krimen pero patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with