2 pulis utas sa engkuwentro vs illegal loggers
Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolman Jessie Golondrina, 30; at Patrolman Fernando Velarde, 25; pawang miyembro ng Regional Mobile Force Battalion, na nagtamo ng mara­ming tama ng bala sa katawan.
STAR/File
2 pulis utas sa engkuwentro vs illegal loggers
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang bagitong pulis ang patay nang rumesponde at makaengkuwentro ang mga hinihinalang illegal loggers sa San Isidro, Northern Samar noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolman Jessie Golondrina, 30; at Patrolman Fernando Velarde, 25; pawang miyembro ng Regional Mobile Force Battalion, na nagtamo ng mara­ming tama ng bala sa katawan.

Sa report ng San Isidro Municipal Police, habang patungo sa Brgy. Buenavista ang dalawang pulis dakong alas-10:40 ng gabi upang alamin ang ulat na may mga armadong kalalakihan na nagbibiyahe ng mga ilegal na troso.

Nang makara­ting sa lugar, sakay ng isang motorized banca, pinaputukan ang mga pulis ng mga armadong may dalang naputol na mga kahoy.

Dahil dito, nagkaroon ng palitan ng putok at minalas na mapuruhan ng mga tama ng bala ang dalawang parak. Naisugod pa sila sa St. Camillus Hospital sa Calbayog City subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival dakong alas-11:55 ng gabi.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit ope­ration ang mga kabaro ng mga biktima laban sa mga suspek.

ILLEGAL LOGGERS PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with