Siklista dedo sa sagasa ng Laguna mayor
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang siklista ang nasawi nang aksidenteng mahagip ng kotseng minamaneho ng isang mayor ng Laguna habang bumabagtas sa highway ng Sta Cruz sa nasabing lalawigan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ng Sta. Cruz Police ang nasawi na si Vonn delos Santos, 30-anyos, binata, construction worker, at residente ng Brgy. Patimbao, Sta Cruz, Laguna.

Nasa kustodya naman ng pulisya si Pila, Laguna Mayor Edgardo Ramos, 58, may asawa, na sumasailalim sa imbestigasyon.

Sa imbestigasyon, minamaneho ni Ramos ang Ford Everest, na may plakang DDM2651 patungong Barangay Pagsawitan, Sta Cruz at ang biktima naman ay lulan ng kanyang bisikleta patungo rin sa kaparehong direksiyon nang maganap ang insidente. Gayunman, pagsapit nila sa national highway ng Brgy. Patimbao ay bigla na lamang kumaliwa ang biktima na aksidenteng nahagip ng SUV ni Ramos.

Naisugod pa sa LMC ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Nahaharap ang alkalde sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

BIKER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with