Trike at truck inararo ng 10-wheeler: 5 patay
Sako-sakong bawang ang tumilapon sa highway matapos ang karambola ng dalawang truck at isang tricycle sa pagitan ng Purok 4, Paradise at Purok 5, Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur kamakalawa. (Courtesy:
Ernie Dela Cruz at Igmat Molave
Trike at truck inararo ng 10-wheeler: 5 patay
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lima katao ang kumpirmadong patay habang isa ang malubhang nasugatan nang araruin ng isang 10-wheeler truck ang isang tricycle at isa pang truck sa kahabaan ng highway sa Brgy. Paradise, Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Renye Nacis, 41, fish vendor na sakay ng Nissan Prime Mover truck na may plakang JAC 2012; Dennis Bentosa, 36, sakay naman ng Mitsubishi Fuso 10-wheeler truck (MVZ 266); Reynaldo Hijara, 31; Kenny Jay Ferolin, 24 at Danilo Tangub Jr., 24-anyos.

Nilalapatan naman ng lunas sa Blancia Hospital sa bayan ng Molave ang sugatang driver ng nasabing mover truck na si Joel Suerte, 49-anyos .

Sa ulat, sinabi ni Captain Edwin Duco, spokesman ng Police Regional Office (PRO)-9, nangyari ang banggaan sa Brgy. Paradise, Ramon Magsaysay dakong alas-4:40 ng hapon.

Ang 10-wheeler truck na minamaneho ni Hijara ay puno ng kargang bawang ga­ling sa Cagayan de Oro City patungong Molave, Zamboanga del Sur nang pagsapit sa lugar ay mahagip nito ang isang Kawasaki BC 175 tricycle na may karga namang mga isda at minaneho ng isa sa mga biktima.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, kapwa tumaob ang tricycle at 10-wheeler truck na nawalan ng balanse hanggang sa masalpok nito ang mover truck ni Suerte. May 230 metro mula sa nabanggang tricycle nang mahagip ng 10-wheeler truck ang mover truck na may kargang container van na walang laman.

Bunsod nito, ang mover truck ay naipit at bumalandra sa gitna ng kalsada at nahulog sa bangin ang kargang container van.

Dahil sa lakas ng banggaan at pagkakaipit, dead-on-the-spot ang limang biktima habang ang naturang driver ng mover truck ay isinugod sa ospital.

TRUCK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with