3 pulis, 4 kawani ng Kapitolyo ng Pangasinan tinamaan ng COVID-19
Kabilang sa mga nagpositibo sa pagsusuri kasunod ng isinagawang mass testing sa Kapitolyo na nagsimula noong Lunes ay tig-isang kawani mula sa Provincial Go­vernor’s Office, Planning and Development Office, Human Resource Ma­nagement Office, General Services Office at tatlong pulis na nakatalaga sa Urduja House.
Edd Gumban
3 pulis, 4 kawani ng Kapitolyo ng Pangasinan tinamaan ng COVID-19
Raymond Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Tatlong pulis at apat na kawani ng Pangasinan Provincial Capitol ang nagpositibo sa COVID-19 kahapon.

Kabilang sa mga nagpositibo sa pagsusuri kasunod ng isinagawang mass testing sa Kapitolyo na nagsimula noong Lunes ay tig-isang kawani mula sa Provincial Go­vernor’s Office, Planning and Development Office, Human Resource Ma­nagement Office, General Services Office at tatlong pulis na nakatalaga sa Urduja House.

Sa kabila nito, nakahinga nang maluwag si Governor Amado Espino III matapos malamang negatibo siya sa CO­VID-19 test subalit ipagpapatuloy umano niya ang naumpisahang dalawang linggong quarantine.

Sinabi ni Espino na tuloy lang ang trabaho sa Kapitolyo habang isinasagawa ng Provincial Health Office ang disinfection ng gusali bagama’t 50 porsiyentong skeletal workforce lamang ang kailangang pumasok.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with