Titser bulagta sa drug ops
Kinilala ni Lt. Col. John Miridel Calinga, hepe ng Midsayap Police ang nasawi na si Jake Fargo Placibe, 23-anyos at nakatira sa Brgy. Cabayuran, Libungan, North Cotabato.
STAR/ File
Titser bulagta sa drug ops
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO , Philippines — Bumulagta ang isang public school teacher matapos na makipagbarilan sa mga tropa ng pamahalaan sa inilunsad na drug operation sa Brgy. Poblacion 8, Midsayap ng lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Lt. Col. John Miridel Calinga, hepe ng Midsayap Police ang nasawi na si Jake Fargo Placibe, 23-anyos at nakatira sa Brgy. Cabayuran, Libungan, North Cotabato.

Batay sa ulat, pumalag at bumunot umano ng baril ang suspek nang aarestuhin ng mga pulis sa inilatag na entrapment operation laban sa kanya sanhi ng engkuwentro dakong alas-5:45 ng hapon.

Anim na buwan umanong minanmanan ang suspek na isinasangkot sa pagtutulak ng droga bago ikinasa ng pulisya ang operasyon laban sa kanya.

Nakuha mula sa napatay na suspek ang isang 15 sachet ng shabu, .38-caliber revolver, public school identification documents, motorsiklo at marked money.

TITSER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with