Bagong laya, pumalag sa pagsita ng pulis dedo
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kamatayan ang inabot ng isang 30-anyos na lalaking kalalaya lang sa kulungan matapos pumalag sa mga pulis na sumita sa kanya  dahil sa kahina-hinalang kilos sa Suarez Compound, Brgy. Bibincahan, East District sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng tanghali.

Dead-on-the-spot makaraang mapuruhan ng ­punglo sa katawan ang suspek na si Raymumd Jordan Malazarte Jr., binata, residente ng Sitio Ilawod, Brgy. Cabid-an at ilang araw pa lang na nakakalaya dahil sa kasong frustrated murder.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali, rumes­ponde ang mga tauhan ng Sorsogon City Police sa tawag ng isang concerned citizen dahil sa kahina-kahinalang kilos ni Malazarte sa loob ng compound ng mga Suarez. Gayunman, habang papalapit at sinisita ng mga pulis ang suspek ay bigla umanong bumunot ng baril at pinutukan ang mga operatiba na mabilis namang gumanti ng putok.

Patay na bumulagta ang suspek at nakuha mula sa kanyang posesyon ang isang kalibre 38 baril.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with