^

Probinsiya

Liquor ban sa Baguio City binawi

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Liquor ban sa Baguio City binawi
Bago ang nasabing pagbawi, ang pagba­bawal sa pagbebenta at pag-inom ng alak sa Baguio City ay ipinatupad nitong Lunes dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 bunsod sa mga laklakan.
Philstar.com/ Era Christ R. Baylon, file

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Ma­tapos ianunsyo ang mu­ling pagpapatupad ng liquor­ ban sa Baguio City, binawi kahapon ni Mayor Benjamin Maga­long ang nasabing ka­utusan bilang konside­rasyon umano sa muling pagbangon ng ekono­miya sa lungsod nitong pagpasok ng taglamig.

Bago ang nasabing pagbawi, ang pagba­bawal sa pagbebenta at pag-inom ng alak sa Baguio City ay ipinatupad nitong Lunes dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 bunsod sa mga laklakan.

Magugunita na nagtala ng 38 na bagong kaso ng COVID-19 ang mga lugar malapit sa slaughterhouse bunsod ng walang humpay na inuman ng alak doon na ang madalas na gamit ng mga tomador ay iisang baso lamang na kanilang pinagpapasa-pasahan.

Ayon kay Maga­long­, sa halip na ipagbawal ang pag-inom ng alak, bini­bigyan niya ng responsibilidad ang ka­pitan at iba pang opisyales ng barangay na subayba­yan ang disiplina ng kanilang mga kanayon sa pagpapanatili ng ka­linisan sa katawan. Nakiusap din siya sa mga mangi­nginom na panatilihin ang disiplina sa pag-inom at iwasan ang pag­gamit ng iisang kutsara sa pamumulutan at pagbuga ng bunganga sa harap ng kausap lalo’t nalalasing na.

“Kung kayo po ay iinom, pakisuap please drink moderately,” dagdag ni Magalong.

Aniya, kailangan ba­lansehin ng kanyang pamunuan ang usapin sa paghihigpit sa pagpapatupad ng batas at pagluluwag sa ekono­miya upang lahat ng mga mamamayan ay mabibiyayaan kahit may pandemya.

vuukle comment

LIQUOR BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with