Ambulance driver ng city hall sa Nueva Ecija, tiklo sa buy-bust
NUEVA ECIJA, Philippines — Isang kawani ng city hall na kasalukuyang drayber ng ambulansya ang natimbog ng pulisya dahil sa pagtutulak umano ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Abar 1st, San Jose City, Nueva Ecija noong Martes.
Kinilala ni Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City Police Station ang nadakip na si Julito Dones, 49, job order employee ng San Jose City LGU bilang ambulance driver at residente ng Barangay Sibut, San Jose City, Nueva Ecija.
Ayon sa pulisya, ang suspek na si Dones na isa umanong high value target (HVT), ay nadakip bandang alas-9:45 ng gabi kung saan matapos “mabili” sa kanya ang isang plastic sachet ng umano’y shabu ay nasamsaman pa ang 3-plastic sachet ng umano’y shabu.
Galit na galit naman si City Mayor Mario “Kokoy” Salvador nang malamang ginamit pa ni Dones ang ambulansiya ng city hall nang bentahan nito ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
- Latest