Walang face mask sa Bulacan, ikukulong na
Ito ay base sa kapapasa pa lamang na Provincial Ordinance 84-2020 o ang Mandatory Wearing of Face Mask na iniakda ni 4th District Provincial Board Member Alex Castro.
Edd Gumban
Walang face mask sa Bulacan, ikukulong na
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

Naka-mask na labas ang ilong at bibig huhulihin din

MALOLOS CITY , Philippines  — Ikukulong na ang sino mang taong mahuhuli na hindi nakasuot ng face mask habang nasa labas ng kanilang tahanan sa lalawigan ng Bulacan.

Ito ay base sa kapapasa pa lamang na Provincial Ordinance 84-2020 o ang Mandatory Wearing of Face Mask na iniakda ni 4th District Provincial Board Member Alex Castro.

Sa oras na mapirmahan ni Bulacan Go-vernor Daniel Fernando ang nasabing ordinan-sa ay ganap na itong ipatutupad sa Bulacan.

Sa nasabing ordinansa, mandatory na ang pagsusuot ng face mask ng mga residente habang nasa labas ng kanilang bahay o mga dayo na nagtutungo o dumaraan sa lalawigan.

Maging sa loob ng mga pribado at pampublikong sasakyan, opisina, mall, paleng­ke, pampublikong sasakyan at iba pang lugar o establisimyento ay obligado na ring nakasuot ang mga tao ng face mask.

Ang sino mang mahuhuli na hindi nakasuot ng face mask ay pagmumultahin ng P3,000 sa unang paglabag, P5,000 sa ikalawang paglabag at pagkakakulong ng hindi hihigit sa dalawang buwan.

Nakasaad din sa nasabing ordinansa na huhulihin at pagmumultahin din ang sino mang mahuhuli na hindi maayos ang pagkakasuot ng face mask gaya ng naka-face mask na labas ang ilong at labas ang bibig, at face mask na nakalagay sa baba at nakakwintas sa leeg.

FACE MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with