Ambush: Obrero todas, angkas na tserman sugatan
Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad namatay ang biktimang si Vicente Ni-cerio Macandog, 46-an-yos habang sugatang isinugod sa pagamutan si Brgy. Capt. Wilfredo Manlangit Ombao, 45-anyos, pawang residente ng Brgy. San Ramon.
STAR/ File
Ambush: Obrero todas, angkas na tserman sugatan
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  — Dead-on-the-spot ang isang construction worker habang sugatan ang kasamang barangay chairman matapos na pagbabarilin ang dalawa ng riding-in-tandem suspects habang magkaangkas ng motorsiklo sa kahabaan ng kalsada ng Sitio Mabinit, Brgy. Tupas, Donsol, Sorsogon kahapon ng umaga.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad namatay ang biktimang si Vicente Ni-cerio Macandog, 46-an-yos habang sugatang isinugod sa pagamutan si Brgy. Capt. Wilfredo Manlangit Ombao, 45-anyos, pawang residente ng Brgy. San Ramon.

Sa ulat, dakong alas-10:50 ng umaga habang magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang biktima at binabagtas ang kalsada mula sa Brgy. San Ramon patungong Brgy. Poblacion nang biglang sumulpot ang dalawang hindi nakila-lang suspek na lulan naman ng isa pang motorsiklo.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima na agad ikinasawi ni Macandog sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nasugatan sa kanang bahagi ng tiyan si Tserman Ombao na mabilis na naisugod ng mga residente at pulis sa Donsol District Hospital.

Tinutugis na ang mga salarin na tumakas patungo sa bulubunduking lugar ng Brgy.Tupas.

COVID19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with