80- bed isolation facilities ng Malolos, bukas na
(Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines  — Pormal nang pinasinayaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng pamahalaang lungsod ng Malolos ang kabuuang 80-bed capacity na “We Heal As One Center” na magsisilbing quarantine facilities ng lungsod.

Sa pagpapasina-yang ito, ipinaliwanag ni DPWH First Bulacan District Engr. Henry Alcantara na ang 32-beds ay matatagpuan sa itinayong dalawang units na container vans sa isang bahagi ng Malolos City Government Center, katabi ito ng ginagawang Bulacan Cyber Park and Business District.

Sa mga container vans na ginawang qua­ran­tine facility, ang bawat silid na may kama at lamesa ay may kanya-kanyang aircondition units alinsunod sa pamantayan na itinakda ng Department of Health (DOH). Nagpasadya rin ng nursing station at electric room dito.

Sa ginawa namang conversion ng Malolos Sports and Convention Center na COVID facility, nasa loob nito ang 48 pang kama na may kanya-kanyang partisyon. Isinailalim sa renobasyon ang mga comfort rooms at hinigop ang mga posonegro at gumawa pa ng bago. Nilagyan din ng mga karagdagan at bagong airconditioning system at na-upgrade ang mga luma na.

May kabuuang P43 milyon ang ginastos sa proyekto mula sa bahagi ng Bayanihan to Heal as One Act o Republic Act 11469.

Ayon kay Mayor Gilbert “Bebong” Gatcha­lian, may inisyal na 15 medical and utility personnel ang magpapatakbo sa nasabing mga isolation facilities sa tulong ng City Health Office (CHO) at City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO). Nagpapadagdag din  siya ng 10 pang personnel sa DOH at sa Office of the Civil Defense (OCD).

Nilinaw na hindi agad tatanggapin sa isolations facilities ang isang inaakala lamang na may COVID-19. Sinumang makikitaan ng sintomas ay dapat umanong itawag muna sa COVID-19 hotline ng Malolos sa 760-5160 o 0998-324-2261. (Omar Padilla)

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with