Matapos ideklara na COVID-19 free doktor sa Quirino nagpositibo sa virus
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Quirino Province Medical Center (QPMC) ang nagpositibo sa coronavirus disease matapos ang anunsyo na COVID-19 free na ang lalawigan nang makarekober ang pang-lima at huli nilang pasyente kahapon.

Gayunman, sinabi ni Gov. Dakila Cua na hindi nakalista sa statistics ng Quirino ang nagpositibong doctor sa talaan ng Department of Health dahil sa hindi siya residente sa lalawigan. Nasa 15 pang close contacts ng doctor sa naturang ospital ang isinailalim na sa 14-days isolation.

Sinabi ni Cua na ang nagpositibong doctor ay naka-confine ngayon sa isang ospital sa labas ng Quirino.

Matatandaan na idineklarang COVID-19 free ang Quirino nang pumutok sa bansa ang pandemya noong Marso hanggang naitala ang unang kaso mula sa bakuran ng gobernador nang magpositibo sa virus ang kanyang kasambahay sa Cabarroguis noong Agosto.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with