Mister nag-amok: Inhinyero at anak utas, 1 pa sugatan
Sa ulat, dead-on-the-spot sa insidente si Engr. Roberto Llanilo, 53-anyos, matapos na mapuruhan ng mga tama ng bala sa ulo at katawan habang ang anak na si Malbert ay binawian ng buhay habang isinusugod sa pagamutan.
STAR/ File
Mister nag-amok: Inhinyero at anak utas, 1 pa sugatan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

Suspek bulagta rin sa shootout               

MANILA, Philippines — Patay ang isang inhinyero at anak nito habang sugatan ang isang Aleman matapos umanong maburyong at mag-amok ang isang mister na kanilang kapitbahay sa Sitio Kontolimbo, Brgy. Calajoan, MInglanilla, Cebu nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat, dead-on-the-spot sa insidente si Engr. Roberto Llanilo, 53-anyos, matapos na mapuruhan ng mga tama ng bala sa ulo at katawan habang ang anak na si Malbert ay binawian ng buhay habang isinusugod sa pagamutan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, ang nagwalang suspek na si Edwin Ferguson, 32-anyos ay napaslang din sa insidente matapos na manlaban at makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang sugatang Aleman na si Christian Mertz, 35-anyos kapitbahay rin ng mga biktima.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-8 ng gabi kasalukuyang nag-uusap ang tatlong biktima na nakaupo sa palibot ng isang mesa sa labas ng kanilang apartment nang biglang dumating si Ferguson na umookupa sa 2nd floor ng apartment unit.

Agad umanong nakipagtalo si Ferguson kay Malbert pero pilit siyang pinakakalma ng inhinyero pero agad na nagtungo sa kanyang apartment ang una.

Gayunman, ilang minuto lamang ang nakalilipas ay biglang lumabas ang suspek saka niratrat ang mga biktima gamit ang isang cal. 38 na baril kung saan ay pinapuruhan si Roberto sa ulo. Nagtangkang sumaklolo ang anak na si Malbert sa ama pero maging siya ay pinautukan ng suspek at nadamay din ang Aleman na nagawang makatakbo sa lugar.

Nang dumating ang responde, agad umanong nakipagbarilan ang suspek na nagmatigas na sumuko na siya nitong ikinamatay.

PRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with