Clan war sumiklab: 4 patay, 5 sugatan
Nabatid na una umanong binaril at napatay ng mga miyembro ng pamilyang Magao si Amir Impos. Agad namang gumanti ang mga Impos at sinalakay ang kalabang pamilya na ikinasawi ng mga nabanggit na biktima.
STAR/ File
Clan war sumiklab: 4 patay, 5 sugatan
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO , Philippines — Apat katao ang nasawi habang limang iba pa ang sugatan sa bakbakan ng magkalabang pamilya sa Pagalungan, Maguindanao, kamakalawa.

Nakilala ang mga nasawi na sina Amir Impos, Norodin Magao, Alex Galang at Robin Magao habang limang iba pa ang nasugatan sa insidente.

Sa ulat ng Maguindanao Police, dakong alas-6:00 ng umaga nang sumiklab ang sagupaan ng pamilyang Impos at Magao dahil sa sinasabing alitan sa lupa at mga pananim sa Barangay Kalbugan, Pagalungan

Nabatid na una umanong binaril at napatay ng mga miyembro ng pamilyang Magao si Amir Impos. Agad namang gumanti ang mga Impos at sinalakay ang kalabang pamilya na ikinasawi ng mga nabanggit na biktima.

Dahil naman sa takot na maipit sa gulo ay agad na lumikas ang mga kapitbahay ng mga pamilyang nagbabakbakan patungo sa mga ligtas na lugar.

Humupa lamang ang barilan ng magkabilang panig nang mamagitan na ang mga opisyal ng bayan, Muslim elders at mga lider ng MILF at MNLF.

Nabatid na miyembro rin ng dalawang Moro Fronts ang mga sangkot sa sagupaan.

ALEX GALANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with