Parak itinumba sa tabing dagat
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bangkay na nang matagpuan ang isang pulis na nakitaan ng tama ng bala sa ulo na hinihinalang pinatay ng mga ‘di kilalang salarin sa dalampasigan ng Brgy. Bo­bongan, Labason, Zamboanga del Norte nitong Biyernes.

Kinilala ni P/Captain Edwin Duco, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 ang nasa­wing biktima na si P/Staff Sergeant Hermis Galisa, 37-anyos, may-asawa at nakatalaga sa Gutalac Municipal  Police Station (MPS) sa nasabing lalawigan.

Bandang alas-9 ng umaga, ayon kay Duco nang madiskubre ng mga opisyal ng barangay sa nasabing lugar ang biktima na may isang tama ng bala sa ulo.

PRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with