Notoryus na ‘tulak’ huli sa drug ops
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY , Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga pulis ang isang negosyante sinasabing kilabot na pusher ng shabu nang masakote at makumpis­kahan ng nasa P465,120.00 halaga ng droga sa isinagawang pagpapatupad ng search warrant na ipinalabas ni presiding Hon.Judge Omar Viola ng RTC Branch 57 sa Brgy, Sta Trinidad, noong Biyernes ng umaga.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 2 Commander P/Major  Francisco Guevarra jr.ang suspek na itinuturing na high-value target (HVT) ng Angeles City Police ay kinilalang si Joel Marimla, 58-anyos alias “Boy”, may asawa, at residente sa nasabing lugar.

Nasamsam mula sa suspek ang nasa 68.4 gramo ng hinihinalang shabu, at isang digital weighing scale.

Mariin namang pinabulaanan ng suspek ang akusasyon laban sa kanya na ayon dito may naunang pumasok sa kanyang bahay bago isinagawa ang search warrant saka natuklasan ang hinihinalang shabu. Kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng nasabing suspek.

RTC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with