Tserman, obrero itinumba ng tandem
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Patay ang isang barangay chairman at isang obrero sa magkahiwalay na pamamaslang ng riding-in-tandem sa Magsingal at Vigan City, Ilocos Sur noong Biyernes.

Hindi na nakaabot nang buhay sa ospital si Feliciano Tabura, 52, kapitan ng Barangay Namalpalan, Magsingal nang barilin ng riding-in-tandem habang sakay ng kanyang motorsiklo sa kanyang teritoryo dakong alas-5:15 ng hapon.

Sa nauna namang insidente sa Vigan City,  pinuruhan sa ulo ng hindi natukoy na berdugo ang obrerong si Joey Molina, 35, habang nakikipaglaklakan sa isang bakanteng lote sa Barangay Pung-ol dakong alas-10:00 umaga.

Ayon kay Lt. Colonel Charlie Angya-on, hepe ng Vigan City Police Station, walang masamang rekord sa kanilang lugar ang napatay na obrero.

Nakaharap pa rin sa blangkong pader ang awtoridad ukol sa motibo ng dalawang krimen.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with