30 manok na panabong tinangay sa farm, kawatan nalambat
Sa ulat ng pulisya, pinasok ng dalawang suspek dakong alas-12:30 ng madaling araw ang CT Farm na pag-aari ng negosyanteng si Cezar Tolentino ng Brgy. Poblacion at agad nilang nilimas ang umano’y nasa 30 sasabunging manok na nagkakahalaga ng P240,000.
STAR/File
30 manok na panabong tinangay sa farm, kawatan nalambat
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

TIAONG, Quezon , Philippines — Arestado ang isang tindero ng gulay habang nakatakas ang kasamahan nito makaraang ireklamo ng pagnanakaw ng 30 na sasabunging manok na nagkakahalaga ng mahigit sa P.2 milyon sa isang farm sa Sitio Gulod, Brgy. Aquino, dito kamakalawa ng madaling araw.

Kinasuhan ng theft ang suspek na si Jay-Ar Dominguez, 27, may asawa habang tinutugis ng pulisya ang kasama nitong si alyas “Joel Llaga”.

Sa ulat ng pulisya, pinasok ng dalawang suspek dakong alas-12:30 ng madaling araw ang CT Farm na pag-aari ng negosyanteng si Cezar Tolentino ng Brgy. Poblacion at agad nilang nilimas ang umano’y nasa 30 sasabunging manok na nagkakahalaga ng P240,000.

Sa followup operation, nahuli si Dominguez habang nakatakas ang kasama at tatlong manok na lamang ang nabawi sa lugar.

FARM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with