18 inmate, jail guard nagpositibo sa virus
Ayon kay Provincial Jail Warden Ret. P/Col. Marcos Rivero, naka-isolate na sa Cell No. 29 ang 18 preso at hinahatiran na lamang sila ng pagkain, vitamins at gamot habang ang isang jail guard na nagpositbo rin sa COVID-19 ay naka-home quarantine na sa bayan ng Pandi.
Miguel De Guzman, file
18 inmate, jail guard nagpositibo sa virus
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Philippines — Labing-walong inmate at isang jail guard sa Bulacan Provincial Jail ang nagpositibo sa swab test ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Provincial Jail Warden Ret. P/Col. Marcos Rivero, naka-isolate na sa Cell No. 29 ang 18 preso at hinahatiran na lamang sila ng pagkain, vitamins at gamot habang ang isang jail guard na nagpositbo rin sa COVID-19 ay naka-home quarantine na sa bayan ng Pandi.

Nasa mabuti umanong kalagayan ang mga preso at jail guard na karamihan ay “mild asymptomatic”.

Idinagda ni Rivero na araw-araw na minomonitor ang kalagayan ng mga nagpositibong preso at pinapayuhang magsuob upang makarekober agad sa nasabing sakit.

Simula pa noong Marso nang pumutok ang nasabing virus ay hindi na pinayagan ni Warden Rivero ang pagtanggap ng dalaw sa nasabing piitan upang maiwasan ang hawaan ng virus.

Nagpasalamat din si Rivero kay Bulacan Gov. Da­niel Fernando sa palagiang pagbibigay ng gamot at vitamins sa halos 2,000 na preso sa nasabing piitan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with