Liquor ban ipinatupad muli sa Tuguegarao
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

Dahil sa hawaan ng virus sa mga laklakan

CAGAYAN, Philippines — Muling isinailalim sa “liquor ban” ang Tuguegarao City kasunod ng mga insidente ng hawaan sa COVID-19 na nag-ugat sa pakikipag­laklakan ng mga carrier nitong linggo.

Sa Executive Order na ipinalabas ni acting city Mayor Bienvenido De Guzman, ang pagbabawal sa pagtitinda at pag-inom ng alak ay nagkabisa noong Huwebes at tatagal hanggang Setyembre 30.

Isa sa mga insidenteng naitala ng Provincial Health Office (PHO) ay ang kaso ng mga nahawaan sa inuman ng nagpositibong opisyal ng Barangay na  nagkaroon ng exposure sa bayaw nitong nasawi sa Cagayan Valley Medical Center dahil sa kumplikasyon ng COVID-19 noong Set­yembre 8. 

Bukod sa nahawang opisyal ay nahawa rin sa nasawing pasyente ang 59-anyos nitong biyuda, kapatid at isang pamangkin. Sila ay nakahawa ng walo pang katao na karamihan ay kanilang kapitbahay at kamag-anak.

Inaalam din ng mga contact tracers kung nagkaroon ng exposure ang houseboy ni City Mayor Jefferson Soriano sa isa sa mga nakainuman ng carrier na opisyal ng barangay. 

Nagpositibo sa COVID-19 ang naturang houseboy noong Huwebes habang si Mayor Soriano ay nag-file umano ng bakasyon. 

COVID-19 LIQUOR BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with