Ginang timbog sa higit P1 milyong droga
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nahulog sa kamay ng mga pulis ang isang misis na umano’y notor­yus na tulak ng droga sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa Zone-1,Brgy. Sta. Elena Baras, Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Mae Hazel Agapito, 37-anyos, may asawa, ng Brgy. San Miguel, Iriga City at kabilang sa regional drug watchlist.

Sa ulat, dakong alas-2:50 ng hapon kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Unit 5, Regional Drug Enforcement Unit, Camarines Sur Provincial Police Office at Nabua Police.

Mabilis na inaresto ang suspek nang iabot nito sa poseur buyer ang isang bungkos na plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P75,500. Nang kapkapan at ting­nan ang shoulder bag nito ay narekober pa ang tatlong malalaking plastic na may lamang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.1 milyon.

BUY-BUST DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with