P1 milyong marijuana sa paso nasabat, 5 huli
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bulacan at Meycauyan Police ang limang lalaki makaraang masamsaman ng may P1 milyong halaga ng pinatuyong dahon at bagong tanim na marijuana na nakalagay pa sa paso sa loob ng isang SUV sa isinagawang operasyon sa isang mall sa Brgy. Malhacan, Meycauyan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Lt. Col. Bernardo Pagaduan, hepe ng Meycauyan City Police ang mga naarestong suspek na sina Nikki John Tablante, 33-anyos ng Brgy. Sto. Niño, Meycauyan; Christian San Diego, 34-anyos ng Brgy. Duhat, Bocaue; Lhordan Cabat, ng Brgy. Sto. Rosario, Malolos City; John Mauroce Clemente at Adler Ambiano na kapwa taga-Brgy. San Vicente, Paombong; pawang sa Bulacan.

Ayon sa PDEA-Bulacan, matagal na umano nilang sinusubaybayan ang galaw ng mga suspek at nang makati­yempo ay agad na nagsagawa ng buy-bust sa isang kilalang mall sa lalawigan dakong alas-5:00 ng hapon.

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang bloke-blokeng marijuana na nakalagay sa likurang bahagi ng kanilang sasakyan na isang kulay gray na To­yota Fortuner na walang plaka.

MARIJUANA PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with