Magtatay na kidnaper patay sa barilan
Ang dalawa ay sang­kot umano sa insidente ng kidnapping sa ilang Indian nationals, gun for hire at insidente ng murder sa lalawigan.Na­kuha sa lugar ang isang shotgun, isang 9mm pistol at isang caliber 45 pistol.
STAR/ File
Magtatay na kidnaper patay sa barilan
Doris Franche, Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

RIZAL, Teresa , Philippines —  Kapwa nasawi ang isang mag-ama na umano ay mga kidnaper nang ito ay manlaban sa mga pulis na magsisilbi sa kanila ng search warrant sa kanilang bahay sa Sitio Ibabaw 2, Dulongbayan sa nasabing lugar, kamakalawa.

Ang dalawang na­patay ay kinilalang sina Rodel Basi at anak nitong si Romar habang naaresto ang bunsong anak.

Ayon kay PNP AKG spokesperson Police Major Ronaldo Lumactod, isisilbi  sana nila ang search warrant laban kay Rodel para sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, pero habang papalapit pa lamang ang mga pulis ay nagpaputok na ang mag-ama.

Dahil dito gumanti ng putok ang otoridad kung saan napatay ang mag-ama habang naaresto ang bunsong anak.

Ang dalawa ay sang­kot umano sa insidente ng kidnapping sa ilang Indian nationals, gun for hire at insidente ng murder sa lalawigan.Na­kuha sa lugar ang isang shotgun, isang 9mm pistol at isang caliber .45 pistol.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with