Magsasaka hinarang sa daan inutas
Ang nasawi ay kinilalang si Joel Rubio Sto.Domingo, may-asawa at residente ng naturang barangay.
STAR/ File
Magsasaka hinarang sa daan inutas
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Duguang bumulagta sa gitna ng kalsada ang isang 40-anyos na magsasaka matapos na harangin at pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang gunmen­ sa Sitio Canumay, Brgy. Tagpo sa bayan ng Mandaon, Masbate, kamakalawa ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Joel Rubio Sto.Domingo, may-asawa at residente ng naturang barangay.

Sa ulat, alas-7:00 ng umaga lulan ng motorsiklo ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang harangin sa daan ng dalawang hindi nakilalang lalaki.

Pagtigil ng biktima ay bigla siyang pinagba­baril ng mga suspek na agarang namatay. Tumakas ang gunmen paakyat sa bulubunduking bahagi ng barangay.

NASAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with