Konsehal, 3 pa arestado sa P6.8 milyong shabu
COTABATO CITY , Philippines — Aabot sa P6.8 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa apat na katao kabilang ang isang konsehal sa inilunsad na buy-bust operation sa kahabaan ng National Highway. Purok 4, Barangay Matampay, Marawi City, kahapon ng alas-12:15 ng tanghali.
Ang mga inaresto ay kinilalang sina Tagoloan Lanao Sur incumbent councilor Simpanor Capal Salic; mga dating konsehal ng Tagoloan na sina Malic Pangoca Hadjisalik, alyas Peping, Esnaira Capal, alyas Nai; Rodrigo Sequino, alyas Jojo.
Nakumpiska ng PDEA ang humigit kumulang 1 kilo ng suspected shabu na may national average price na P6.8-M, 3 cellular phones, mga ID, 1 white Toyota Hilux, 1 Black Toyota Fortuner, P1.8-M boodle money na ginamit sa operation.
- Latest