Ex-manager ng electric cooperative, nagbaril
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 64-anyos na dating general manager ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) na si Gerardo Versoza matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng kanyang kotse sa Alapang, La Trinidad, Benguet, noong Miyerkules.

Ayon sa anak na si Candido Versoza, natagpuan na lamang nilang duguan ang ama nito sa loob ng sasakyan dakong alas-2:30 ng hapon kaya’t agad nilang itong dinala sa ospital.

Isang cal.45 boga ang natagpuan ng mga imbestigador sa ibabaw ng hugasang lababo sa labas ng bahay ng biktima na umano’y inilapag doon ng misis ng una nang madiskubre siyang duguan.

Wala pang tinutumbok na anggulo ang otoridad kaugnay sa dahilan ng pagbaril sa sarili.

BENECO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with