Mag-ina swak sa droga
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalaboso ang isang mag-ina matapos maaresto sa inilatag na buy- bust operation sa kanilang bahay sa Zone-4, Brgy. Balagbag sa bayan ng Milaor, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Sinampahan ng kasong paglabag sa dange­rous drugs act ang mag-inang sina Nenita Babilonia Puyo, 50-anyos at anak nitong si Christian, 28-anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang ilatag ang buy-bust operation laban sa mga suspek ng Pro­vincial Intelligence Unit, Provincial Mobile Force Company, Sipocot police at Milaor Police at hindi na nakatakas ang mga suspek nang arestuhin makaraang i-abot sa pulis na poseur buyer ang biniling droga. Ang mag-ina ay drug watchlist ng pulisya.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with