2 kawani ng DENR tiklo sa pangongotong
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines —  Bu­magsak sa kamay ng otoridad ang dalawang kawani ng Department of Environment and Natural Resour­­ces (DENR) sa isinaga­wang entrapment sa Cabagan, Isa­bela, kamakalawa.

Ang dalawang sus­pek ay kinilalang sina Foresters Antonio Aggabao Jr. at Diosdado Medrano.

Sa ulat,kapwa dinakma ang dalawa ha­bang tinatanggap ang P3,000 sa complainant na nag-aplay ng travel permit sa ibibiyahe niyang 800 board feet na soft wood na itinumba sa kanyang lupain sa kalapit bayan ng Tumauini.

Ayon sa pamunuan ng Community Environment and Natural­ Resources Office (CENRO);  nagkaka­halaga lamang ng P115 ang permit na ipinagkakaloob nila sa pagbiyahe ng softwood gaya ng Gmelina species.

Nabatid sa NBI na matagal nang ginagawa ng dalawang inireklamong kawani ang modus, subalit ngayon lamang sila nagkaroon ng pagkakataong matimbog ang mga ito.

DENR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with