Lady trader tiklo sa P13 milyong investment scam
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Mario Capelan ng Malolos Regional Trial Court Branch 1 sa kasong estafa.
PSN/File
Lady trader tiklo sa P13 milyong investment scam
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Isang negosyanteng babae na sinasabing utak sa P13-milyong investment scam ang inaresto ng Bulacan Provincial Intelligence Unit kamakalawa ng hapon sa Brgy. Pagala, Baliwag, dito sa lalawigan.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Provincial Police director, ang suspek na si Ma. Lea Ulang, 29-anyos, dalaga, negosyante at naninirahan sa Brgy. Layunan, Binangonan, Rizal.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Mario Capelan ng Malolos Regional Trial Court Branch 1 sa kasong estafa.

Napag-alaman na maraming naging biktima ang suspek at nalokong mag invest sa isang multi milliong kompanya na sa bandang huli ay isang bogus investment naman pala. Umabot umano sa P13 milyon ang nata­ngay umano ng suspek sa mga nabiktima nito.

ESTAFA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with