P1 milyong droga nasamsam sa raid, 1 timbog
Sa report ng pulisya, nagawang makapuslit ni Rodel Aquino, 40, nang salakayin ng raiding team ang kanilang teritoryo sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Vigan City RTC Judge Cecilia Corazon Archog.
STAR/File
P1 milyong droga nasamsam sa raid, 1 timbog
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Mahi­git isang milyong pisong halaga ng droga ang nasamsam ng awtoridad sa isinagawang raid sa tiangge ng umano’y mag-live in na “tulak” sa Brgy. Quezon, Cabugao, Ilocos Sur kamakalawa.

Sa report ng pulisya, nagawang makapuslit ni Rodel Aquino, 40, nang salakayin ng raiding team ang kanilang teritoryo sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Vigan City RTC Judge Cecilia Corazon Archog.

Nabatid na 27 sachet ng shabu ang nakuha sa pag-iingat ni Donna Salom, 44, na umano’y girlfriend ng nakatakas na si Aquino.

Nasa mahigit 100 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa pagsalakay at nakuha rin sa pag-iingat ni Salom ang isang cal.22 na paltik at sari-saring drug paraphernalia.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with