Trike dumamba sa trak, driver dedo
Hindi na umabot pang buhay sa Ospital ng Tagaytay ang biktima na si Alexander Angcaya ng Brgy Tolentino East, Tagaytay City.
STAR/File
Trike dumamba sa trak, driver dedo
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Isang driver ang nasawi makaraang dambahin ng kanyang tricycle ang rumaragasang Howo truck habang bumabag­tas sa kahabaan ng Tagaytay-Calamba Rd, Brgy. Tolentino East, Tagaytay City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa Ospital ng Tagaytay ang biktima na si Alexander Angcaya ng Brgy Tolentino East, Tagaytay City.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng truck na si Guillermo Caymo, 45-anyos, may asawa.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Angeline Arevalo, alas-10:30 ng gabi habang may kabilisan ang takbo ng biktima sa kanyang kawasaki Tricycle (4498 DY) nang sumalpok ito sa isang truck na minamaneho ni Caymo.

Sa lakas ng impact, nayupi ang tricycle at naipit ang biktima. May mahigt sa kalahating oras pa bago naialis ang biktima sa pagkakaipit.

Lumalabas na nakainom ng alak ang biktima nang maganap ang aksidente.

PATAY TRICYCLE DRIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with