Chopper bumagsak sa Basilan, 4 patay!
Doris Franche, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat katao ang patay nang bumagsak ang kanilang sinasakyang chopper ng Philippine Air Force (PAF) sa lalawigan ng Basilan kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat, ang PAF aircraft 505 Search and Rescue, Sikorsky S76A na may tail number 202 ay bumagsak sa Barangay Upper Manggas, Lantawan bandang ala-1:00 ng hapon.

Ayon kay Maluso Mayor Hanie Bud, sumadsad ang military chopper sa pagitan ng Lantawan at Maluso sanhi upang hindi na nakaligtas ang mga sakay nito.

Apat na bangkay kabilang ang isang babae na nakilala lamang sa mga pangalang Capt. Miler at 1Lt. Ferrer, mga piloto at mga crew na sina Sgt. Banias at A1 Leal, ang kinumpirmang narekober sa crash site.

Sinabi ni Lantawan Municipal Administrator Tahira Ismael na ma­lakas ang ulan at ha­ngin nang mangyari ang insidente.

Patungo sana sa Zamboanga ang chopper para sa isasagawang evacuation sa mga civilian personnel nang masalubong nila ang masungit na lagay ng panahon.

CHOPPER PHILIPPINE AIR FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with