8 kawani ng Koronadal City nagpositibo sa COVID-19
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

KORONADAL CITY, Philippines — Nasa 55 na kawani ng City Health Office dito ang isinailalim sa quarantine matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang walo nilang kasamahan, iniulat kahapon.

Ayon kay City Health officer Edito Vego, 55 mula sa 88 personnel ng CHO ang isinailalim sa quarantine matapos nilang makasalamuha ang walo ka-trabaho na nagpositibo sa COVID-19.

Aniya, sa ngayon ay nagkulang na ang kanilang tanggapan ng mga empleyado na siyang nagsasagawa ng contact tracing efforts sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod na umabot na sa 80.

Dahil dito, agad na dinagdagan ng South Cotabato Provincial Health Office ang mga tauhan ng CHO upang mapunan at magpatuloy ang isinasagawang contact tracing sa lungsod.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with