Meat vendor na ‘tulak’ utas sa shootout
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang isang 39-anyos na nagtitinda ng karne matapos na pumalag sa ginawang joint buy-bust operation ng pulisya sa tulay ng panulukan ng Brgy.Banao at Lower Binogsacan sa bayan ng Guinobatan, lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Napuruhan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang suspek na kinilalang si Salvador Delos Reyes Sanone ng Brgy. Calzada, Ligao City.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, inilatag ang buy-bust operation ng mga kasapi ng Regional Police Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division 5, Albay Police Provincial Office at Guinobatan Police laban sa suspek.

Nagkasundo ang suspek at posuer buyer na gawin ang transaksyon sa tulay. Gayunman, makaraang iabot ang biniling droga at akmang aarestuhin ang suspek ay bigla siyang bumunot ng baril kaya pinutukan na ng mga nakatagong operatiba. Duguan ang suspek na isinugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Narekober sa lugar ang dalawang malala­king sachet ng shabu, buy-bust money at motorsiklo na ginagamit ng suspek sa ilegal na transaksyon.

PATAY VENDOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with