Barangay chairman kinatay ng 5 kelot
Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Brgy. Chairman Claudio Bobias, residente sa nabanggit na barangay, dahil sa tinamong mga saksak ng patalim sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
STAR/ File

Barangay chairman kinatay ng 5 kelot

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Brutal ang ginawang pagpatay sa isang barangay chairman matapos na pagtulungang pagsasaksakin ng limang lalaki sa isang tindahan sa Brgy. Lingtan, Bangued, Abra kamakalawa.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Brgy. Chairman Claudio Bobias, residente sa nabanggit na barangay, dahil sa tinamong mga saksak ng patalim sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Ayon sa ulat, nakatayo si Bobias sa isang tindahan nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad inundayan ng saksak ang opisyal saka sila mabilis na tumakas.

Masusi nang sinisiyasat ng pulisya ang krimen upang malaman ang motibo sa pagpatay at sino ang mga nasa likod nito.

CHAIRMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with