Ina abala sa paglalaba, paslit lunod sa irigasyon
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines —  Nalunod ang isang 5-anyos na totoy habang abala ang ina nito sa paglalaba ng kanilang maruming damit sa irigasyon sa Brgy. Sta Cruz, San Manuel, Isabela noong Lunes.

Sa report ng pulisya, kasama ng bata ang mga kalarong nagtampisaw sa irigasyon na hindi alinta sa inang si Ester Duque na abala sa kanyang ginagawa hanggang matapos ang kanyang labahin dakong alas 5:00 ng hapon.

Napansin na lamang ni Duque na nawawala ang anak nang paalis na sana siya sa lugar dakong alas-6:00 ng gabi. Nabigong mahanap ng ina at taongbayan ang bata dahil kumagat na ang dilim.

Nakita na lamang ng mga taga-barangay ang bata kahapon ng umaga nang lumutang ang bangkay nito sa tubig.

ESTER DUQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with