Unang kaso ng COVID-19 sa Aparri, Cagayan at Aguinaldo, Ifugao naitala
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY , Philippines — Nabura na bilang mga COVID-19 free ang dalawang bayan sa Luzon matapos magtala ng kauna-unahang kaso ng virus ang mga ito mula sa mga pawang Locally Stranded Individuals (LSIs) kamakalawa.

Isang 77-anyos na lola na umuwi sa Aparri, Cagayan mula Metro Manila ang nagpositibo sa COVID-19 nitong Lunes habang nakaratay sa Cagayan Valley Medical Center dito.

Ayon kay CVMC head Dr. Glenn Mathew Baggao, isinugod sa kanila ang matanda na may sintomas ng ubo at lagnat noong Set­yembre 12.

Mag asawa naman na umuwi mula Bacoor, Cavite ang unang naita­lang COVID-19 case sa Aguinaldo, Ifugao.

Ayon kay Mayor Gaspar Chilagan, Jr. may sintomas ng ubo at sipon ang magsing irog na agad nilang dinala sa Quarantine facility ng lokal na pamahalaan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with