162 engineers sa Bicol kinuha ng DPWH
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines —  Nasa 162 civil engineers ang kinuha ng regional office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang makatulong sa malawak na proyekto sa imprastruktura sa buong Bicol sa ilalim ng Build, Build, Build program ng pamahalaan.

Sa pahayag ni Lucy Castañeda, ta­gapagsalita ng DPWH-5 ang 162 civil engineers ay pormal na nanumpa kamakailan kay regional director Engr. Virgilio Eduarte sa pamamagitan ng virtual oath-taking at bahagi lang ng 2,294 na iba’t ibang trabaho at posisyong binuksan ng kagawaran sa buong bansa upang ipatupad ang malawak na patrabaho.

Sa nasabing bilang, 27 engineers ang itinalaga sa regional office habang ang 135 ay ilalagay sa 15 district engineering office sa rehiyon.

Isa lang sa malala­king proyektong minamadaling tapusin sa Bicol ay ang P9.235 bilyong project na 15.21 kilometrong 4-lane highway na bubuksan mula sa bayan ng San Fernando hanggang Pili, Camarines Sur.

Kapag operational na ang nasabing highway, makakatipid ng malaking oras at gasolina sa may 12,000 na motorista na dumaraan araw-araw sa Maharlika national highway. Mula sa 51-minuto ay tatakbuhin na lang ito ng 11-minuto.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with