Magdyowa nag-away sa laklakan: 1 tigok, 1 sugatan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nauwi sa madugong eksena ang away-magdyowa matapos na mapatay ang isa sa kanila ng isang maton na nakisawsaw sa kaguluhan habang sugatan din ang isang binatilyo sa gitna ng kanilang laklakan sa Brgy. Cab 18, Ilagan City,  Isabela kamakalawa.

Ang nasawi ay nakilalang si Jaymar Cabansag, 18, habang nagtamo ng mga pasa at bukol sa katawan ang binatilyong itinago sa pangalang Jhon Mark, 17; kapwa residente ng naturang lugar.

Lumabas na nagkaroon ng matinding away si Cabansag at nobya nitong menor-de-edad na itinago sa pangalang Remedios sa bahay na pag-aari ng kabigang si Melbert Hildago. Gayunman, biglang nakialam sa hidwaan ng magnobyo si Jeffrey Claro, 23, na sinasabing may gusto kay Remedios at umawat din si Jhon Mark kaya’t nauwi ang eksena sa suntukan at matin­ding sagupaan. Kapwa walang ulirat ang magkaibigang Cabansag at Jallorina nang isugod sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival ang una dahil sa inabot nitong matinding pinsala sa bungo.

Tumakas naman ang maton na si Claro na kalaunan ay natunton at naaresto ng mga pulis sa Brgy. Agassian habang natulala ang nobya ng napatay na si Cabansag matapos ang krimen.

AWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with