Anak ng may-ari ng resto, itinumba
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Malagim na kamatayan ang sinapit ng umano’y anak ng may-ari ng isang kilalang restaurant matapos siyang ratratin ng armalite ng mga berdugo sa harap ng kanilang kainan sa Barangay Centro 4 ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Masuwerteng walang ibang nadamay nang pagbabarilin ang biktimang si  Kerwin Lumactod, chief cook din sa kanilang restaurant dakong alas 10:30 ng gabi sa downtown ng lungsod.

Ayon sa report, walang nangahas na makakuha sa plaka ng sinakyang kotse ng mga salarin na nakatakas sa lugar na matao.

Pagkakautang sa pera ang isa sa mga anggulong sinusundan ng mga im­bestigador na motibo sa krimen. 

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with