Intel officer natimbog sa extortion, carnapping
Sa ulat kay PNP chief P/Gen. Camilo P. Cascolan ni P/Brig. Gen. Ronald O. Lee, head ng PNP-IMEG, kinilala ang suspek na si P/Staff Sergeant Jonathan Paz Dela Cruz, intelligence officer ng Norzagaray Municipal Police Station.
File
Intel officer natimbog sa extortion, carnapping
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang isang pulis-Bulacan sa inilatag na entrapment operation sa lungsod ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) dahil sa umano’y robbery extortion at carnapping kamakalawa ng hapon.

Sa ulat kay PNP chief P/Gen. Camilo P. Cascolan ni P/Brig. Gen. Ronald O. Lee, head ng PNP-IMEG, kinilala ang suspek na si P/Staff Sergeant Jonathan Paz Dela Cruz, intelligence officer ng Norzagaray Municipal Police Station.

Ayon kay Gen. Lee, isinagawa ng mga operatiba ng IMEG Luzon Field Unit, sa tulong ng mga ahente mula sa Counter-Intelligence Division ng PNP-IG, RID PRO 3 at PIB Bulacan Provincial Police Office at ang 82nd Special Action Company ng PNP-Special Action Force sa loob mismo ng istasyon ng pulisya ng Norzagaray bandang alas-5:30 ng hapon.

Bukod sa robbery extortion kabilang sa isasampang kaso laban sa tiwaling pulis ang carnapping matapos hindi ilagay sa report at blotter ang kinum­piska nitong motorsiklo.

Nabatid na humingi umano ang naturang pulis ng P10,000 sa may-ari ng motorsiklo na naaresto sa drug operation kapalit ng kalayaan nito. 

Nakuha mula sa suspek ang Yamaha Mio motorcycle na walang plaka, P10,000 boodle money na may dalawang minarkahang P500 at isang cellphone.

EXTORTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with