_ngayon
^

Probinsiya

Mayor sa Nueva Ecija inambus, escort sugatan

Christian Ryan Sta. Ana, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mayor sa Nueva Ecija inambus, escort sugatan
Ayon kay P/Col. Marvin Joe Saro, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nakaligtas si San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin Salonga, 48-anyos habang tinamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng leeg ang driver-security aide nito na si Danilo Camelo, 52.
Edd Gumban, file

NUEVA ECIJA, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang isang alkalde sa ikaapat na distrito ng lalawigang ito matapos na tamba­ngan ng riding-in-tandem na malubhang ikina­su­gat ng kanyang driver body­guard sa Brgy. Apo Esquivel, Jaen kamakalawa ng umaga.

Ayon kay P/Col. Marvin Joe Saro, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nakaligtas si San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin Salonga, 48-anyos habang tinamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng leeg ang driver-security aide nito na si Danilo Camelo, 52.

Sa imbestigasyon, alas-8:45 ng umaga habang sakay si Salonga ng kulay itim na Toyota Land Cruiser (ZTU-515) na minamaneho ni Camelo nang dikitan sila ng mga suspek na magkaangkas sa Honda XRM motorcycle pagsapit nila sa tulay malapit sa arko ng Jaen-San Leonardo boundary saka sila agad pinagbabaril.

Bagama’t sugatan, agad na pinasibad ng alertong drayber ang dalang SUV lulan ang alkalde upang takasan ang mga salarin.

Ayon kay P/Captain Shariel Paulino, galing­ ang alkalde sa San Leo­nardo at papauwi na nang harangin at pagbabarilin ng mga suspek sa gitna ng tulay ng Jaen bago nagsitakas.

Nakarekober sa crime scene ang 12-piraso ng basyo ng bala ng 9mm. Sinabi ni Salonga na “unopposed” ng nakaraang election na nakatatanggap siya ng pagbabanta sa kanyang buhay.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with