Magsasaka binistay ng bala sa harap ng pamilya
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 10, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Hindi na nakaba­ngon ng higaan ang isang 27-anyos na mister matapos siyang pasukin at pagbabarilin ng anim na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa harap ng kanyang pa­milya sa Purok-2, Brgy. Dalipe, Cawayan, Masbate kamakalawa ng ma­daling araw.

Agad nasawi matapos mapuruhan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Edmond Sulacito Hingco, may-asawa, magsasaka at residente ng nasabing barangay habang tumakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng Brgy. RM Magbalon.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw habang nasa kasarapan ng tulog ang biktima at pa­milya nito nang biglang dumating ang anim na armado at puwersahang­ pumasok sa bahay. Bago pa nakakilos ang mister sa pagkakahiga ay pinagbabaril na siya ng mga suspek. Hindi naman sinaktan ang pamilya nito na natulala sa nangyari.

Napagdudahan uma­nong informer ng mga pulis at sundalo ang biktima kaya siya nilikida ng mga rebelde.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with