9 pang âtulakâ nalambat
Sa ulat ni P/Col. Marvin Joe Saro, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), sabay-sabay na nagsagawa ng buy-bust operations ang pulisya sa San Isidro, Sta. Rosa at Gapan City, kung saan umabot sa 27 plastic sachet ng hinihinalang shabu ang na­kumpiska mula sa pitong lalaki at dalawang babaeng suspek.
STAR/ File

9 pang ‘tulak’ nalambat

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2020 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines —  Arestado ang siyam na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operations sa lalawigang ito noong Lunes.

Sa ulat ni P/Col. Marvin Joe Saro, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), sabay-sabay na nagsagawa ng buy-bust operations ang pulisya sa San Isidro, Sta. Rosa at Gapan City, kung saan umabot sa 27 plastic sachet ng hinihinalang shabu ang na­kumpiska mula sa pitong lalaki at dalawang babaeng suspek.

Nabatid na naaresto ng Gapan City Police ang mga suspek na sina Raul de Guzman, 28, may asawa; Jordan Punzalan, 43; Joan Torres, 40, dalaga at Guillermo Crisostomo Jr., 55.

Dalawa ang nadakip ng San Isidro Police na sina Nimrod Santos alyas “Imbong”, 35, may-asawa at Joseph Fernando, alyas “Osep”, 46.

Arestado rin ng Sta. Rosa Police ang mga suspek na sina Marcos Odesa, 39, may-asawa, isang traffic aide, Cristina Garcia, 60-anyos, isang kasambahay at ang kasabwat niyang si Victor Mercado, 45, isang tricycle driver ng Bgy. Barrera, Cabanatuan City.

ARESTADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with