_ngayon
^

Probinsiya

Tserman utas sa MILF commander, 2 pang brgy. officials sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang punong barangay habang sugatan ang dalawang kasamang opisyal ng barangay nang pagbabarilin ng isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Brgy. Mindupok, Maitum, Sarangani tanghali, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Mohammad Akmad, tserman sa nasabing barangay habang inaalam pa ang pagkakakilan ng dalawang sugatan.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang pa­ngunahing suspek na si Esmail Minangga alias Boy Bakal, battalion commander kumander ng 13th Biwang Brigade ng MILF at ‘di kilalang driver nito.

Naganap ang pamamaril dakong alas-12:30 ng tanghali matapos na umatake sa barangay ang suspek kasama ang drayber nito lulan ng Bajaj motorsiklo na walang plaka.

Agad namang inalerto ang tropa ng militar at Maitum Police na nagsasagawa na ng manhunt operation laban sa mga suspek at inaalam na ang motibo sa krimen. 

MILF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with